6.12.2011

My 4-month old phone is SIRA.

Saklap! Nasira yung CP ko na Nokia C3-01 ng hindi ko alam ang dahilan. Basta nakapag-patugtog pa ko Wednesday ng mga around 12 noon. Natulog. Tapos pagkagising, hindi na gumagana yung touch screen niya. May 1-year warranty naman siya kaya pagkalabas ko sa trabaho kaninang tanghali, dumiretso agad ako sa pinagbilhan ko ng phone.

Pagkadating sa cellphone shop tinanong agad ako ni kuya kung nalaglag ba daw o kung nabasa. Sabi ko hindi, dahil hindi naman talaga. Binuksan ni kuya yung back cover ng phone at may nakitang moist, sabay tanong kung hindi ba talaga nalublob sa tubig. Doubtful talaga si kuya. Humindi ulet ako. (Mas makarunungan lang siya sa may-ari.) Lalo tuloy nadagdagan yung inis ko. Mukang hindi convinced si kuya sa sagot ko.

Libre naman daw ang pagawa kapag company defect. Ayon naman pala. Pero kapag napatunayan daw nila na ako ang may kasalanan, babayaran ko daw yung pagpapagawa. Soya lang sa kin yun dahil wala naman talaga akong ginawa. I'm innocent! Pinaxerox nalang niya sa kin yung resibo. Lumakad pa ko sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Urgh!

Pero iba yung pakiramdam kanina nung kinukuha na ni ate (boss ata ni kuya) yung cp ko. Tapos sabi pa niya, 1 month daw ang aantayin bago magawa. Ang weird ng feeling. Marami akong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko. Hangang sa nagpaalam na sa kin si ateng boss, hudyat na pwede ko nang iwan yung cellphone sa kanila at umalis na. Wala na kong nagawa at nasabi kaya't umalis nalang din ako.


Hindi ko alam kung bakit masyado akong affected sa pagkasira ng phone ko. Disaapointed na kasi ako actually after several weeks na nabili ko pa lang siya. Dahil una, medyo complicated siya gamitin. Pangalawa, masyadong sensitive yung touch sreen. At pangatlo, ang labo nung 5 megapixel cam with flash niya. Basta foggy yung nagiging pictures. Ang positive feature lang niya siguro ay yung wi-fi connectivity niya. Wala nang iba.


Simula pagkasakay ko sa jeep pauwi, pagkain ko ng pananghalian,  habang nanunuod ng tv, at hanggang ngayon sa harap ng kompyuter, iba pa rin yung pakiramdam. Parang may kulang. Parang may hindi ako nakikita. Parang hindi ako sanay. Marahil epekto ng pagkawalay sa akin ng cp ko.

Walang sense itong post ko no? Wala lang kasi akong mapagkwentuhan. Pero bago natapos ang araw ng sabado sa kin, may natutunan ako. Na hindi mo talaga malalaman ang halaga ng isang bagay o tao sa iyo, hangang  sa mawala o mawalay na siya sa'yo. EMO.

*Mag-iiwan pala ako ng larawan ng aking cellphone. I miss you na! :'( huhuhu. EMO talaga.

No comments:

Post a Comment