6.12.2011

My 4-month old phone is SIRA.

Saklap! Nasira yung CP ko na Nokia C3-01 ng hindi ko alam ang dahilan. Basta nakapag-patugtog pa ko Wednesday ng mga around 12 noon. Natulog. Tapos pagkagising, hindi na gumagana yung touch screen niya. May 1-year warranty naman siya kaya pagkalabas ko sa trabaho kaninang tanghali, dumiretso agad ako sa pinagbilhan ko ng phone.

Pagkadating sa cellphone shop tinanong agad ako ni kuya kung nalaglag ba daw o kung nabasa. Sabi ko hindi, dahil hindi naman talaga. Binuksan ni kuya yung back cover ng phone at may nakitang moist, sabay tanong kung hindi ba talaga nalublob sa tubig. Doubtful talaga si kuya. Humindi ulet ako. (Mas makarunungan lang siya sa may-ari.) Lalo tuloy nadagdagan yung inis ko. Mukang hindi convinced si kuya sa sagot ko.

Libre naman daw ang pagawa kapag company defect. Ayon naman pala. Pero kapag napatunayan daw nila na ako ang may kasalanan, babayaran ko daw yung pagpapagawa. Soya lang sa kin yun dahil wala naman talaga akong ginawa. I'm innocent! Pinaxerox nalang niya sa kin yung resibo. Lumakad pa ko sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Urgh!

Pero iba yung pakiramdam kanina nung kinukuha na ni ate (boss ata ni kuya) yung cp ko. Tapos sabi pa niya, 1 month daw ang aantayin bago magawa. Ang weird ng feeling. Marami akong gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko. Hangang sa nagpaalam na sa kin si ateng boss, hudyat na pwede ko nang iwan yung cellphone sa kanila at umalis na. Wala na kong nagawa at nasabi kaya't umalis nalang din ako.


Hindi ko alam kung bakit masyado akong affected sa pagkasira ng phone ko. Disaapointed na kasi ako actually after several weeks na nabili ko pa lang siya. Dahil una, medyo complicated siya gamitin. Pangalawa, masyadong sensitive yung touch sreen. At pangatlo, ang labo nung 5 megapixel cam with flash niya. Basta foggy yung nagiging pictures. Ang positive feature lang niya siguro ay yung wi-fi connectivity niya. Wala nang iba.


Simula pagkasakay ko sa jeep pauwi, pagkain ko ng pananghalian,  habang nanunuod ng tv, at hanggang ngayon sa harap ng kompyuter, iba pa rin yung pakiramdam. Parang may kulang. Parang may hindi ako nakikita. Parang hindi ako sanay. Marahil epekto ng pagkawalay sa akin ng cp ko.

Walang sense itong post ko no? Wala lang kasi akong mapagkwentuhan. Pero bago natapos ang araw ng sabado sa kin, may natutunan ako. Na hindi mo talaga malalaman ang halaga ng isang bagay o tao sa iyo, hangang  sa mawala o mawalay na siya sa'yo. EMO.

*Mag-iiwan pala ako ng larawan ng aking cellphone. I miss you na! :'( huhuhu. EMO talaga.

4.27.2011

My 1st Official Blog Entry: Hapi Bertdei!

Good murneng! (Kakagising lang kasi) Gusto ko sanang maghingi ng paumaanhin dahil hindi ako nkapagblog nung Apr.25. Oo na! Sinungaling na kung sinungaling, pero ang totoo I'm just really a busy person! lol. Ikwekwento ko nalang ang nangyari sa kin nung Monday. Ayos! Mahaba-haba pero pakiusap, magtiyagang magbasa. Salamat! :)

April 25, 2010 - Monday. Unang araw ng pasok apter Holy Week. Natural, wala pa sa kondisyon ang katawan ko para pumasok at magtrabaho. Lahat naman siguro ng tao nung araw na yon. Badtreep! Pero pumasok pa din ako kasi...
  • una: yun ang bilin sa min ni Dora The Explorer (The Boss) bago siya magbakasyon sa Palawan, walang aabsent kasi nakaencode na yung sahod hanggang katapusan at wala nga sya. May 2 pa balik niya. Ampoota nga naman. Sya extended yung bakasyon kami pasok na agad. Ampair! Wala naman kaming magagawa. Sya nga naman ang boss. At sya na din ang madaming pera pangbakasyon!
  • pangalawa: kawawa naman ang mga anakis ko (my students), walang hahandle sa kanila na magaling na titser katulad ko. haha! Yaan niyo na ko magbuhat ng sariling bangko. Blog ko to! (Gumawa nang sariling blog at puriin din ang sarili kung naiinggit.)
  • at pangatlo: gusto kong ipakita sa lahat na IN ako ngayong summer. Tan ang kulay ko. Hindi ko alam kung tan pa ang tawag dito o baluga na. Whatever you call it, basta dark ang skin ko. Epekto ng pagbababad sa araw at dagat nung outing ng tropa. Walang sunblock-sunblock! Lusong agad. Sabik e.
Natapos ang araw sa trabaho na wala namang masyadong espesyal na nangyari bukod sa nakita kong statement shirt ni manong paglabas sa trabaho. Ang sabi, "It's better late than later!". May point nga naman. Pagkatapos ko mabasa ang statement sa shirt ni manong na filing bagets ay binasa ko ang text ni ate ko, "Buy ka ng piza at manok sa chooks2go. Bday ni pudra." Pucha! OO nga pla. Bertdey ni amain, nawala sa isip ko. Hindi pa ko matanda. Kagaya nga ng sabi ko I'm a busy person, madami lang iniisip kaya mejo makakalimutin.

Balik sa kwento. Masunurin akong kapatid kaya bumili naman ako, nang maisip ko na aabonohan ko ang pambibili ko at mukang mababaon na namn sa limot ang utang na to. Pizza? check! Kahit nag-antay ako ng lagpas 20minutes sa sinabi ni ateng cashier, ayos lang dahil dun pala ginaganap ang talent competition ng Bb. Olongapo 2011. Imagine, mga chikabeybs na nagsasayawan na halos naka bra't panty lang with the tune of Lady Gaga's songs. Oo! pare-parehas na Lady Gaga yung mga music nila. Promotion ata to ng album niya. Nakalimutan ko ding beauty pageant ang sinasalihan nila. Akala ko nasa night club ako.  Di ba dapat mejo pa-wholesome sila? Anyways naentertain ako.

Pumunta naman ako sa very famous na Chooks-2-go. Pagdating ko dun, ang bungad sa kin ni kuya ay, "Huwaw! Picha Pie!". Ignorante lang kuya? Ngayon lang ata siya nakakita ng Pizza na tinake-out. Gusto ko din sana siyang barahin at sabihing hindi Picha Pie tawag dito, it's Pizza Pie! Pero mabuting ehemplo ako kaya ngumiti lang ako sa kanya, pilit na ngiti. Sabay sabi niyang walang manok, naubos at idedeliver palang galing Pampanga ang next batch. Hindi naman pwedeng antayin ko yun at makipagtitigan kay kuya kaya umalis nalang ako. Badtreep! Ang humid pa naman nung araw na yun kahit pass 6pm na.

Dumiretso ako sa kalapit na branch ng nasabing manukan. Ganun din! Ubos din daw. Pero nirecommend naman ni kuya ang 3rd branch nila. Pwede! Marunong ang tindero dito. May kalayuan ang 3rd branch, pero soya (ayos) lang. On the way naman kasi pauwi kahit "lakad-sakay-baba-lakad-Chooks2go-lakad pabalik-sakay-baba-bahay" ang magiging senaryo ko.

Pagdating na pagdating ko sa 3rd branch nila, ganun din ang status ng kanilang paninda. Simot! Very famous nga talaga ang manukan na to! Bakit hindi pa sila magsipag-sarang mga hinayupak sila!

Nag-isip ako ng taimtim kung ano ang susunod na gagawin ko. Tatlo lang ang branches ng Chooks-2-go sa Gapo. At kahit siguro may 4th, 5th o 101st branch pa sila dito, hindi na din ako magbabasakali dahil very famous nga sila at baka wala na din tinda. Tinext ko si ateng mahadera at sinabi ang nakakapanglumong nangyari sa kin. Ang reply niya, Andoks! And wait for it, .....smiley! Hindi ko alam kung maiinis ako o mabwibwisit sa reply niya. Gusto ko sana siyang itext at awayin pero hindi nga pla ako unlitext. Kinalma ko nalang ang aking sarili.

Muli akong nag-isip. Kahit pagod na pagod na ako at lagkit na lagkit sa sarili ay inisip ko ang kapakanan ng tatay ko. Kaarawan niya. Hindi maaaring masira ang araw na to dahil sa out of stock na chicken sa tatlong branches nila! Tumungo ako sa not-so-famous na Andoks (dahil sa second choice lang siya ni ate). Kahit na tatlong kanto ang pagitan nito mula sa 3rd brach ng hinayupak na manukan.

Chicken? Check! Sa wakas! Success! Makakauwi na rin ako. Andoks saves the day! Simula ngayon ay mas mahal ko na ang Andoks kesa sa Chooks-2-go. Irerecommend ko din ito sa mga kakilala at kaibigan ko. Pwede din nila kong kunin na spokesperson o image model, papayag ako. Mejo mas mahal nga lang ng kaunti ang manok sa andoks pero soya lang. Ang importante ay kumpleto na ang simpleng pagsasalu-saluhan naming pamilya. Emo?

Excited ako umuwi dahil init na init na talaga ako sa buhay ko. Pagdating sa bahay, nakakabig ang pinto. Madilim. Bwoenout ba? Hindi! Mas music sa kapit-bahay. Nagdalawang-isip tuloy ako kung ako ba ang may birthday at isusurprise nila ako. Pero hindi din! April palang, June ang birthday ko. Binuksan ko ang ilaw at walang tao sa sala maging sa kusina. Tumungo ako sa kwarto ni ateng mahadera at nandun sya. Nakahiga at nagpapalamig sa aircon. Pakxet! Samantalang ako, daig ko pa ang nagmaso buong araw sa itsura at sa amoy ko.Wala si pudra. Nakipag-inuman sa mga kumpare niya. Buhay nga naman.

Ending, napagod lang ako at kanya-kanyang kain sa kanya-kanyang oras na gusto ang nangyari.

The End.

4.24.2011

welcome to the world of blogging titser jep!

Ano nga bang ginagawa ko dito? Hindi naman talaga ako blogger at mas lalong hindi ako writer. Feeler? Siguro nga, oo. Isa lang ang alam ko, na-inspire ako kina kuya glentot at ser mots. Ingetero much! Marahil maaari kong gamitin tong blog site na to para makakwentuhan. Maging outlet kung baga. At least dito may mapagsasabihan ako ng mga istorya at nangyari sa araw-araw ko.

Hayaan niyo din muna akong ii-introduce ang aking sarili. Ako si Jeffrey. Mas kilalang titser jep sa pinagttrabahuhan ko. OPO! Isa akong titser, isang dakilang guro. Bente-uno anyos, 5'4'' in height, 40kgs, hindi kagwapuhan, beybi peys daw at tahimik. Tama na siguro yan. : )

What to expect from this blog site?

Wala. haha! Sisikapin ko mailahad ang mga kaganapan sa buhay ko at sa mga buhay-buhay ng ibang tao. Hindi man ako yung tipong humorous na tao e sisikapin kong sundutan ng humor ang bawat post ko. (oh! sabi ko sisikapin ko lang ha? hindi yan sure.)

Ngayon ay ganap alas-onse na ng gabi at may pasok pa ko bukas. Paalam na muna mga kablogsters! (baduy!) Uumpisahan kona bukas maglahad ng mga kwento. See you later! : )